A. ANG PAKIKITUNGO NG MGA TAO SA KANYA
Ayon kay Katrina Ponce, isang labinlimang taong gulang na estudyante, normal naman ang pakikitungo ng mga tao sa kanya. Ngunit hindi raw maiiwasan na magtanong ang mga kaklaseng kung may nakikita siya o wala lalo na kapag nagpupunta sila sa mga madidilim at nakakatakot na lugar. Minsan ay nakukulitan siya sa mga ito ngunit hinahayaan na lamang at iniintindi dahil para sa kanya ang pagkakaroon ng ganito ay isang biyaya dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakita ng mga bagay na hindi maipaliwang ng Agham.
Ayon naman kay Juan Pocholo Garcia, isang sampung taong gulang, itinuturing niya ito na isang sagabal sa kadahilanang siya ay bata pa. Minsan ay pagnaglalaro siya, bigla na lang mapapahinto at ang ibig sabihin nito ay nakakakita siya. Ang mga tao naman sa kanyang paligid ay iniintindi na lamang siya. Ngunit ang iba sa mga bata ay naiilang at natatakot makipagkwentuhan at makipaglaro sa kanya.
B. ANG PAKIKITUNGO NIYA SA MGA TAO
Sabi ni Katrina, normal lang daw ang pakikitungo niya sa mga tao. Kung maari daw ay hindi niya inaamin o sinasabi ng may ganito siyang kakayahan. Sinasabi niya lang ito sa mga taong pinakakatiwalaan niya. Kung nakakakita naman siya ay hindi siya nagpapahalata at magkikwento na lang kapag wala o umalis na sila sa isang lugar.
Ayon naman kay Pocholo, noon daw ay nahihiya siyang lumabas at makipaghalubilo sa mga tao hanggang kinausap siya ng kanyang lolo na naniniwala sa kanyang kakayahan. Sinabi daw ng kanyang lolo na dapat ay huwag niyang hayaang masira ang kanyang pamumuhay dahil sa ganito kakayahan. Dapat ay matuto siyang makipagkwentuhan sa mga kapwa niya bata at ipakita sa mga ito na may karapatan din siyang magsaya nang sa gayon ay itrato siya ng normal at hindi na iwasan. Simula noon ay natuto na siyang makipagkaibigan at nagsimula nang mamuhay ng isang normal na bata.
C. ANG TINGIN SA KANYA NG LIPUNAN
Ayon sa sarbey na nagawa ng mga mananaliksik ng grupong ito, halos 60 porsyento ang hindi naniniwala sa mga taong may third eye sapagkat sa tingin nila ay gumigimik lamang at nagpapapansin ang mga ito. Sa tingin nila ay walang katuturan ang mga kakayahang angkin ng mga taong may third eye. Itinuturing ng mga taong hindi naniniwala sa third eye ang mga taong may third eye bilang mga outcast ng lipunan para sa kanila, walang silbi ang mga taong ito.
D. ANG KAHALAGAHAN NG KANYANG KATANGIAN SA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS
D. ANG KAHALAGAHAN NG KANYANG KATANGIAN SA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS
Ang mga taong may third eye ay may mahalagang katungkulang ginagampanan sa ating lipunan. Sila ang nagsisilbing tulay sa ating mundo at sa mundo ng mga taong pumanaw na. Sila ang mga naghahatid ng mga mensaheng nais iparating ng mga yumao sa kanilang mga naiwang minamahal. Dahil sa kanila, natatahimik na ang mga kaluluwang hindi matahimik. Nabibigyang hustisya ang mga walang awang pinaslang.
2 comments:
Hi I'm Megan Luna from I JUANDER, GMA News TV11! We're currently doing a story about third eye. We would like to invite you guys for an interview po sana about your thesis/blog about it. Thanks. :)
Hi I'm Megan Luna from I JUANDER, GMA News TV11! We're currently doing a story about third eye. We would like to invite you guys for an interview po sana about your thesis/blog about it. Thanks. :)
Post a Comment