Tuesday, March 18, 2008

BIBLIOGRAPHY

BIBLIOGRAPHY


anonymous. The Third Eye.
available:http://www.strayreality.com/Lanis_Strayreality/thirdeye.htm
February 14, 2008

anonymous.Third Eye. vol XII.
available: http://en.wikipedia.org/wiki/third_eye
Dec 23, 2007

anonymous. Light Immersion.
available:http://mudsharam.com
Dec 23,2oo7

Benjamin,Harry."theosophical glossary and psychic",Theosophy World, vol II, August 1996, pp 17-19.

Cosimano,Chuck."Science and Psychical Research",Theosophy World,November 1996,pp 23-26.

Eckins,Jerry."Personal Views on Psychism",Theosophy World,November 1996,pp 34.

Kusek,Mark."The Circle with the Center Dot", Theosophy World,December,1996,pp35-39.
SOSYAL NA ASPETO

A. ANG PAKIKITUNGO NG MGA TAO SA KANYA



Ayon kay Katrina Ponce, isang labinlimang taong gulang na estudyante, normal naman ang pakikitungo ng mga tao sa kanya. Ngunit hindi raw maiiwasan na magtanong ang mga kaklaseng kung may nakikita siya o wala lalo na kapag nagpupunta sila sa mga madidilim at nakakatakot na lugar. Minsan ay nakukulitan siya sa mga ito ngunit hinahayaan na lamang at iniintindi dahil para sa kanya ang pagkakaroon ng ganito ay isang biyaya dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakita ng mga bagay na hindi maipaliwang ng Agham.



Ayon naman kay Juan Pocholo Garcia, isang sampung taong gulang, itinuturing niya ito na isang sagabal sa kadahilanang siya ay bata pa. Minsan ay pagnaglalaro siya, bigla na lang mapapahinto at ang ibig sabihin nito ay nakakakita siya. Ang mga tao naman sa kanyang paligid ay iniintindi na lamang siya. Ngunit ang iba sa mga bata ay naiilang at natatakot makipagkwentuhan at makipaglaro sa kanya.


B. ANG PAKIKITUNGO NIYA SA MGA TAO




Sabi ni Katrina, normal lang daw ang pakikitungo niya sa mga tao. Kung maari daw ay hindi niya inaamin o sinasabi ng may ganito siyang kakayahan. Sinasabi niya lang ito sa mga taong pinakakatiwalaan niya. Kung nakakakita naman siya ay hindi siya nagpapahalata at magkikwento na lang kapag wala o umalis na sila sa isang lugar.
Ayon naman kay Pocholo, noon daw ay nahihiya siyang lumabas at makipaghalubilo sa mga tao hanggang kinausap siya ng kanyang lolo na naniniwala sa kanyang kakayahan. Sinabi daw ng kanyang lolo na dapat ay huwag niyang hayaang masira ang kanyang pamumuhay dahil sa ganito kakayahan. Dapat ay matuto siyang makipagkwentuhan sa mga kapwa niya bata at ipakita sa mga ito na may karapatan din siyang magsaya nang sa gayon ay itrato siya ng normal at hindi na iwasan. Simula noon ay natuto na siyang makipagkaibigan at nagsimula nang mamuhay ng isang normal na bata.

C. ANG TINGIN SA KANYA NG LIPUNAN


Ayon sa sarbey na nagawa ng mga mananaliksik ng grupong ito, halos 60 porsyento ang hindi naniniwala sa mga taong may third eye sapagkat sa tingin nila ay gumigimik lamang at nagpapapansin ang mga ito. Sa tingin nila ay walang katuturan ang mga kakayahang angkin ng mga taong may third eye. Itinuturing ng mga taong hindi naniniwala sa third eye ang mga taong may third eye bilang mga outcast ng lipunan para sa kanila, walang silbi ang mga taong ito.


D. ANG KAHALAGAHAN NG KANYANG KATANGIAN SA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS
Ang mga taong may third eye ay may mahalagang katungkulang ginagampanan sa ating lipunan. Sila ang nagsisilbing tulay sa ating mundo at sa mundo ng mga taong pumanaw na. Sila ang mga naghahatid ng mga mensaheng nais iparating ng mga yumao sa kanilang mga naiwang minamahal. Dahil sa kanila, natatahimik na ang mga kaluluwang hindi matahimik. Nabibigyang hustisya ang mga walang awang pinaslang.

Ang kinapanayam namin















Ang aming ka-grupo na si Franz Bagares ay nagkataong may kaibigang may nabiyayaan ng third eye. Kinunan ito sa bidyo ngunit sa kasamaang palad ay na- "corrupt" ang video file na dapat ilalagay sa blog. Mabuti na lamang ay mayroong pasulat na panayam ang grupo.

Si Jellyne Caryl Tutanes ay isang labing anim na taong gulang na estudyante ng Centro Escolar University sa Mendiola. Si Jellyne ay nabiyayaan ng kakaibang kakayahan, ito ay ang makakita ng multo. Hayskul pa lamang nang magsimula itong makakita ng mga kakaibang bagay. Mga kung anu-ano na hindi naman nakikita ng ordinaryong tao. Narito ang panayam namin kay Jellyne.

III. Pagkakakilanlan
IV. Sosyal na Aspeto

1.) Ikaw ba ay nabiyayaan ng tinatawag na third eye? - "oo."

2.) Madalas ka bang makakita at makaramdam? - "hindi naman, minsan lang."

3.) Ilang taon ka nang natuklasan na ikaw ay may third eye? - "bago lang to eh... 14 ako nun."

4.) Paano mo hinaharap ang sitwasyon kapag nakakita ka? - "depende naman sa nakikita ko kasi minsan di ko nakikita ng malinaw eh. Minsan kasi parang shadow lang, pero minsan parang figure siya talaga ng tao."

5.) Ito ba ay itinuturing mong sagabal o regalo? - "para sakin eh sagabal to kasi hindi ko siya napipigilan eh, kung makakakita ako eh makakakita talaga ako."

6.) Paano ang pakikitungo sa iyo ng mga tao sa paligid? - "parang normal lang din naman yung pakiki-mingle nila sakin kasi hindi naman ako yung type ng tao na parang dinidibdib masyado yung third eye. Actually marami akong friends, although minsan talaga eh ang weird ko daw kasi nga yun nakakakita ako ng multo"

7.) Paano naman ang pakikitungo mo sa mga tao sa paligid mo? - "gaya nga nung kanina eh normal naman. Friendly naman ako kahit ganito ako. Hindi naman ako yung shy type eh. Masayahin akong tao tsaka maingay ako." *tawa*

8.) Maaari ka bang magsalaysay ng iyong karanasan kung saan ikaw ay nakakita ng multo? -
" hmm.. eto mejo latest 'to eh.. yung sa Taytay.. kasama ko pa si franz nun.. Nandun kami sa house ng friend namin, tambay lang.. kwentuhan.. mga ganun.. inaabot kami dun ng gabi madalas kapag trip namin.. nung time na yun ginabi kami.. mga 9pm yun.. tapos kakain kami ng dinner dapat. Nung nakaupo na kami sa dining room siyempre prepare muna ng food. ayun. Glass kasi yung table nila Macis(friend), pati ung plate muna glass din.. edi kumakain na kami nun.. Habang kumakain kami, nung paubos na yung food sa plato ko, syempre yuko ako para sumubo dapat, nagulat ako kasi may reflection ng bata na nakatingin sakin, di ko sure kung sa sahig yun o sa kisame. Basta gulat ako nun, nagtawanan pa nga sila nun eh kasi nakakatawa yung reaction ko. Sure ako na bata yun, hindi ko yun reflection kasi yung nakita kong bata sa reflection eh lalake. Tapos nung pinag-usapan namin yun after kumain, sabi ni Macis, yung friend namin na may-ari ng house, meron daw talaga nagpaparamdam sa bahay nila kasi may ibang tao din daw na nakakita. Ayun."

9.) Ano ang iyong mga nararamdaman kapag ikaw ay nakakakita? - "hmmm. Kapag nakakakita ako eh siyempre natatakot ako lalo na kapag mag-isa lang ako. May beses naman din na nakakakita ako pero may kasama ako, pag ganun hindi naman ako natatakot masyado."

10.) Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng third eye? -"hmmm. Sa tingin ko naman importante siya kasi minsan diba may mga tao talagang patay na pero may mga unfinished business. So parang dun lang sila makakahingi ng tulong sa mga tao na nakakakita sa kanila."

Buhay ng isang taong may third eye.

PANIMULA

Ang Third Eye ay isang misteryosong konsepto ng Ajna na ang ibig sabihin ay ika-anim na chakra. Ito ay mahahanap sa pagitan ng ating dalawang mata. Sinasabi rin na ito ay isang daan patungo sa bagong henerasyon ng paniniwala. Ang suliranin ng pag-aaral na ito ay ang pagiging “outcast” ng mga taong biniyayaan ng kakaibang katangian. Tinatawag itong Third Eye. Ang mga taong may Third Eye ay yung may mga kakayahang makakita ng mga bagay na tulad ng multo o engkanto na hindi nakikita ng ordinaryong nilalang.

Ang konsepto ng Third Eye ay nagmula pa sa kapanahunan ng lumang Babylon. Sinasamba ito bilang “Solar Eye” o “Mata ni Jupiter". Ngayon ang ating konsepto dito ay isang elemento na nagbibigay ng kapangyarihan sa atin.

Ang kadahilanan ng pag-aaral na ito ay para mapatunayan ang kahalagahan ng tungkulin ng isang taong may Third Eye sa lipunan natin ngayon. Ang bawat isa sa atin ay binibigyan ng mga talento para paghusayin. Lahat ng ibinibigay sa ating kapangyarihan ay may katumbas na responsibilidad. Ito ay para matulungan ang mga nangangailangan.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay kung paano mapapatunayan ang kahalagahan ng isang taong may Third Eye sa ating mamamayan. Karamihan sa mga tao ay tinuturing ang mga kakaibang nilalang na ito bilang iba sa kanila.




II. Katangian
  1. Third Eye: Bahagi ng pisikal ng katawan
Marami sa mga tao ay naniniwala na ang Third Eye ay isang bahagi ng spiritwal na aspeto ng katawan. Ngunit napatunayan ng isang eksperto na si Rick Strassman na ang Third Eye ay bahagi ng pisikal na katawan. Sinabi ni Strassman na ang Third Eye ay ang pineal gland, isang bahagi ng katawan na mahahanap sa gitna ng utak ng mga nilalang na vertebrates na naglalabas ng hormone na melatonin. Ang konseptong ito ay sinosoporatahan ng pinealocytes, isang klase ng cell na mahahanap sa pineal gland. Ang pineal gland ay naglalabas ng dimethyltryptamine na nag-uugat ng mga panaginip,meditasyon at halusinasyon. May ebidensya na ang pineal gland ay naglalabas ng melatonin. Dahil sa konseptong ito, ang pineal gland ay tinuturing na pisikal na “Third Eye”.
  1. Sintomas ng pagkakaroon ng Third Eye
May mga pahiwatig na ipinapakita ang isang taong may Third Eye. Para malaman kung ang isang tao ay may kakayahan na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao, malalaman mo ito sa mga sintomas na ipapahiwatig ng ating katawan.
Umupo ng tuwid sa isang upuan at ipokus ang iyong atensyon sa gitna ng iyong mata. Ipokus lamang ang iyong atensyon dito ng tatlo hanggang limang minuto. I-monitor ang iyong karanasan sa bawat lebel, at pagkatapos ay ilipat ang iyong pokus sa susunod na lebel:
  • Ang posisyon ng pagkaka-upo sa kasalukuyan
  • Ang nararamdaman sa iyong kapaligiran
  • Ang mga nararamdaman sa iyong pisikal na katawan
  • Ang emosyon na iyong nararamdaman
  • Ang iyong mga ala-ala sa iyong “unconscious” na utak
  • Ipokus ang iyong atensyon sa chakra ng subconscious na utak
Manatili sa ganitong posisyon hanggang sa iyong nais. At kapag ikaw ay handa nang bumalik sa kasalukuyan, alalahanin ang mga patnubay hanggang ikaw ay makabalik sa iyong "conscious" na sarili.
Kapag isinasara mo ang iyong mata, sa isang madilim na kwarto, ikaw ay nakakakita ng ilaw. Kapag ang Third Eye mo ay nakabukas, dapat ay makakita ka ng kulay gintong ilaw na naghuhugis bilog. Pwede itong magmukang malaki na iyong makikita lamang ay ang dulo ng bilog, o kaya magmumuka itong may butas sa gitna.

C. Mga karanasan ng taong may Third Eye
  • Yong isang katrabaho namin dito, si Tita Alice kakaiba naman ang kuwento nya dahil halos araw-araw ay nagte text silang mag ina (ang anak na lalaki ay nasa Pilipinas at siya nandito sa Kuwait). Then hanggang isang araw day off ni tita alice yun. At gaya nga ng ginagawa nilang mag ina, umagang-umaga pa lang dito ay nagtetext-an na sila. masaya pa silang dalawa dahil may mga jokes pa syang sinesend.

    Mga 6 pm dito (11 pm sa Pinas) nung mag isa lang daw si tita sa flat nila sa may kusina at nagluluto sya ng makakain nya biglang parang may tumawag daw sa kanya dun sa may sala at nakakita rin sya ng anino na parang umupo sa may sala nila. ang akala nya e yong isang border nila pero sa pagkakaalam nya e may mga pasok lahat at 9 pm pa lahat magdadatingan. di daw nya pinansin yun pero naulit ulit at nakarinig daw sya ng "mommy, mommy halika" .....boses daw yun ng anak nyang lalaki at aninag daw nya yong anino na tumatawag sa kanya na nasa sala na parang naka upo sa may sofa. Nung una ay sinagot nya ng yes...nagluluto ako pero naulit daw yun at talagang boses ng anak nya ang narinig.

    Kinilabutan daw sya at parang tumayo daw lahat ng buhok niya sa katawan. di niya alam ang gagawin at ng biglang natauhan e tumakbo siya sa sala pero walang tao.

    After 5 mins na naka upo sya sa sofa ay biglang may tumawag sa cellphone niya.....ang anak nyang panganay na babae at umiiyak. Ipinaalam nya na "dead-on-arrival" ang kapatid nyang lalaki dahil inatake sa sakit nya sa puso at diabetic din kasi sya. hindi sya makapaniwala dahil isang oras pa lang ang nakakalipas nung matapos silang mag text na dalawa. Dun na lang nya na realize na nung araw lang na yun ay nag i love u ng nag i love you ang bata at nagpasalamat daw sa ina.
Ang susunod na mga kuwento ay ang mga karanasan ng isang taong nagngangalang Alan. Isa siyang nilalang na may Third eye.
  • 1. Nung bata pa ako sa apartment namin, kapag tulog na kaming lahat may kumakalabit sa ulo ko kaya ako nagigising... hangang ngayon hindi ko alam kung multo yun o niloloko lng ako ng mga tita ko, pero wla sa ugali nila ung mangloko ng ganun tyaka pag tumitingin naman ako sa kanila tulog na tulog sila.

    2. Dati naman... sa Zambales... kasi kinokontest ako sa mga quiz B kaya kahit tulog na lahat ng mga tao dun nagrereview parin ako, yero lng ung bubong namin dun.. 3 times or more nangyari sa akin ito habang nagrereview ako.. habang malalim yung gabi may kumakatok sa bubong namin na yero. sinabi ko yun sa lola ko pero sabi nya manok lng daw siguro yun, ako hindi ko naman alam kasi kung manok yun bakit sunod-sunod, tyaka parang katok talaga ng tao

    3. Tapos ito kakatapos lang mangyari sa akin... dito sa bahay namin sa Cubao, kapag tatawag kasi ako sa girlfriend ko kailangan kong umakyat sa taas kasi dun lang may malinaw na signal... umakyat ako tapos binuksan ko ung ilaw, tapos nung pgkatapos nmin mag usap, bumaba ako para maglaro ng ragnarok online.. tapos sabi ng girlfriend ko tumawagwg daw ulit ako, pag punta ko sa taas sarado na yung ilaw, kinabukasan tyaka nung 3rd day ganun din nangyari sakin, ako lng naman nag-iisa sa bahay nun nung nangyari sakin yun.

Buhay ng isang taong may third eye.

Buhay ng isang taong may third eye


SULIRANIN: ANG MGA TAONG MAY THIRD EYE AY MAY MAHALAGA BANG TUNGKULIN NA GINAGAMPANAN SA ATING LIPUNAN?

THESIS STATEMENT: ANG MGA TAONG MAY THIRD EYE AY MAY MAHALAGANG TUNGKULIN NA GINAGAMPANAN SA ATING LIPUNAN.


I.KASAYSAYAN

A. KAHULUGAN
B. ETIMOLOHIYA NG SALITANG THIRD EYE
C. MGA TAONG KILALA NA MAY THIRD EYE SA PILIPINAS
D. KAILAN NAGSIMULA SA KASAYSAYAN NG “THIRD EYE”


II KATANGIAN

A. THIRD EYE: BAHAGI NG PISIKAL NA KATAWAN
B. ANG KANYANG MGA KARANASAN
C. ANG MGA SINTOMAS NG MAY THIRD EYE�


III PAGKAKAKILANLAN

A. PAMUMUHAY NG ISANG TAONG MAY “THIRD EYE”
B. PAANO HINAHARAP ANG MGA SITWASYON KAPAG SIYA AY NAKAKAKITA
C. PAANO TINUTURING ANG KANYANG KATANGIAN


IV. SOSYAL NA ASPETO

A. ANG PAKIKITUNGO NG MGA TAO SA KANYA
B. ANG PAKIKITUNGO NIYA SA MGA TAO
C. ANG TINGIN SA KANYA NG LIPUNAN
D. ANG KAHALAGAHAN NG KANYANG KATANGIAN SA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS


V. KONKLUSYON


VI. MGA PINAGKUHANAN NG DATOS